Thursday, December 31, 2009

Bukas, TuSiroWanSiro Na!

{Sa makakabasa nito, kung inaakala mo na masasayang lamang ang oras mo sa pagbabasa ng sulating ito, tama, tama ang hinala mo}

Ano?
*

Here i am (no, this is not a song)...again. I've got tons of other things to do (and when I say 'other' it means acad stuff) and yet, I am here spending the last day of 2009 in front of my computer.

Paano?*

Paano ba naman kasi ako gaganahan gumawa ng homework kung ang mismong salitang "break" pa lang sa "Christmas BREAK" ay isang malaking tukso na, na parang umaakit sa akin para magpahinga? Sige nga, sabihin mo sa 'kin, paano?

Bakit?*

B*tches and a**h***s are those professors who make their students work their butts off during the so-called break. Kayo na nga ang magagaling na hindi nakaranas magpahinga nung nag-aaral pa kayo! Pero utang na loob lang, 'wag n'yo naman po kaming idamay sa bitterness n'yo sa college life n'yo.

Arrgggh

*inhale (amoy pinaghalong melon, lychee at suha)...happy thoughts...exhale*

Sino?*

Kawawa naman ako?? Oo, kasi wala akong ibang mapagbuntunan ng inis ko kundi itong hamak na online journal na ito. Nasasawa na rin akong magreklamo sa tao sa paligid ko; kawawa na rin sila, wala nang ibang narinig sa 'kin kundi reklamo.

Saan?*

Maiba lang, at saang lupalop naman ako hahagilap ng scholarly article tungkol sa fugacity? Sa reliable sources? Tao po? Malamang hindi ko maaaccess yung mga publications nila (ScienceDirect, ACS, etc.) dahil hindi ako subscriber. Dapat sana sa library namin, pero bakasyon mode din sila ngayon. tch


*trip ko lang maglagay ng asterisks, walang pakelamanan! XP

1 comment:

kesi said...

hay Jo An. Guto kong magmura pero buntong-hininga nalang. kaya naten to Jo. magiging masaya din ang new year. this too shall pass. as clicheic as it could be, yun nalnag iniisip ko ngayon. hay.