Tuesday, December 15, 2009

Turn(ed) Off

Papalapit ang jeepney na aking kinasasakyan sa isang waiting shed, kung saan nag-aabang ang ilang pasahero.

Huminto ang jeepney, may mga bagong pasahero. Sa tapat ng aking kinauupuan ay umupo ang isang lalaki. "Gwapo", sabi ko sa isip ko. Isputing! Naka pang-malakasan, sabi nga.

Humugot ng barya ang lalaki, kinalabit ang balikat ng driver at iniabot ang bayad.

Nakaliko na ang jeep sa u-turn, nang magsalita ang gwapong lalaki na nakaupo sa tapat ko,
"Manong, sa Technohub lang po".

Anak ng... Hindi ko mawarian ang dapat kong maging reaksyon, parang isang pre-pubescent na bata ang nagsalita.

Ugh.

1 comment:

kesi said...

haha ang winner lang talaga netoh.