Sunday, July 15, 2012

Mace Spray

*Ehem. Hello? Test Mic. Mike Tess.*

Gusto kong mag-sulat dito, pero ano? Wala namang interesanteng nangyari sa buhay ko, sa loob ng ilang buwan (taon?) ng pag-absent ko dito sa Blogger. Pero kung interesado kang magbasa ng kababawan ng isang pa-deep na katulad ko e di ayos, hindi kita pipigilan.

Bagong balita? E di heto, naka-graduate na rin (Yehey! Magbunyi tayo!). Matagal akong inaruga pinalaki tinuruang mamuhay ng aking sintang paaralan. Kahit hindi gaanong halata, marami akong natutunan sa kanyang puder. Ngayon, ang problema na lang ay kung papaano kong kakalkalin lahat ng bagay na nalaman ko sa loob at labas ng klase sa loob ng n years at nang sa gayon ay mabiyayaan ako ng identification card mula sa PRC. Diyan ko na siguro mapapakinabangan ang review center. Halos isang buwan na mula nung magsimula ang klase namin dun. Sa November pa yung board exam pero pakiramdam ko maikling panahon na lang ang meron ako para  maging pamilyar man lang kay Perry. Napapabuntong-hininga na lang ako minsan pag nakikita ko ang mapuputing mga pahina nito an di hamak na mas makapal sa pagmumukha ko. Hay.

Naalala ko lang bigla, yung cellphone ko na inspirasyon ko sa isang serye ng mga posts dito, nanakaw sa loob mismo ng kwarto ko. Kahit pinaglipasan na yun ng panahon, sayang pa rin.

Okay, tama na muna. Balik-aral na ulit.

No comments: