Friday, August 12, 2011

thousand-word story challenge: Telepathy

Si babae ay isang Fine Arts student sa isang prestihiyosong pamantasan sa Diliman. Si lalake ay schoolmate ni babae, isang Engineering student. Literal na magkalayo ang mundong ginagalawan nila, pero makulit ang tadahana.
Uy, kasabay ko na naman s’ya. Crush ko na talaga s’ya. Alam kaya n’ya na maraming beses na kaming nagkakasabay dito? Ano kayang pangalan n’ya? Kaso parang ang bata pa n’ya. Kumusta naman? Graduating na ko. Haay. Ate na talaga ako dito.
Sa FC lang ako bababa, malapit na ako. Saan kaya s’ya bababa? Maaga pa naman para umuwi, stalker-mode muna. Nakakaimbyerna lang, ngayon pa kami nagkasabay kung kailan mukha akong pagod. Ang dami-dami pa ng dala kong gamit.
Uy, pumara na si kuya. Shit ang gwapo din ng boses n’ya. Yes! Naghihintay din s’ya ng jeep! Waah! Answerte ko naman ngayon. Tae kinikilig ako sa kagwapuhan n’ya!! Pero kailangan kong pakalmahin ang sarili ko at huwag magpahalata. Kalma lang puso ko. Relax. Saan kaya s’ya sasakay? Tsk. Puro ako tanong. Lapitan ko kaya s’ya at tanungin? Kaso baka s’ya ma-creep out sa akin. Pakshet ang torpe ko.
KATIPUNAN. Shit eto na ang jeep ko. Nakupo! Nasaan na s’ya? Nalingat lang ako sandali, nawala na. Haay. Babay na sa’yo crush. Hanggang sa susunod nating pagkikita.
Uy, s’ya ulit. Si ate mysterious. Ang ganda n’ya pa rin. I think I like her. No, I really like her. Ano kayang pangalan n’ya? Napansin n’ya kaya na madaming beses na kaming nagkakasabay sa Ikot? Kaso parang s’ya yung tipong “I-don’t-give-a-shit”. Hindi ko alam kung bakit lalo akong naa-attract dahil sa ganung dating n’ya. Tanungin ko kaya kung anong pangalan n’ya? Kaso bakit n’ya naman sasabihin? Baka matakot pa s’ya sa akin. Pero bakit naman s’ya matatakot? I don’t look scary, do I? Mukha naman akong disente kahit papaano. Tangina! Ang torpe ko. ‘Wag na nga lang.
Sa may FC siguro s’ya ulit bababa. Dun ko s’ya nakita dati e. Bakit kaya lagi siyang mag-isa? Okay FC na. Sana hindi n’ya ko makitang sinusundan s’ya. Ang creepy ko din paminsan-minsan. Uy, eto maluwag na jeep. Okay, sasakay na ko. Hala! Nasaan na si ate? Nakasakay na siguro s’ya. Pero sa Katip din yata s’ya sumasakay e. Baka naman kasabay ko ulit s’ya (titingin sa rear-view mirror). Shit nandito nga s’ya. Anong gagawin ko? Paano kung huling pagkakataon na ‘to na magkasabay kami. Bahala na kung hanggang saan ang kayang tiisin ng katorpehan ko.
Ayun, yari, sasakay din s’ya ng LRT. Aw, stored value card yung kanya. Saan kaya s’ya bababa? Sa Recto na lang ako bababa. Ang dami n’ya namang dala, tulungan ko kaya s’ya? What to do? What to do? May 2 minutes pa bago dumating ang tren. Ate, lumingon ka naman dito. Sige na. Tingin ka naman dito. 5… 4… 3… Tangina! Nakita n’ya kong nakatitig sa kanya. Shit.
Ojuskopo! (Nagulat) Nandito din s’ya. Nage-LRT din pala s’ya. Waah! Kalma lang ulit. Saan kaya s’ya bababa? Ang exciting naman nito, nage-LRT rin pala s’ya pauwi. Pero bakit ngayon ko lang s’ya nakita? Oh well, wow na lang sa pagka-serendipitous nito. Sayang hindi ko na s’ya kayang i-stalk further, may gagawin nga pala akong urgent. (Tinitigan si lalake) Nakaka-inlab ka, shit! Hanggang buntong-hininga na lang ako. Lingon ka naman dito. Haay. Nevermind, I should stop daydreaming, eto na ang tren. Uy maluwag pa. Buti naman, bigat ng gamit ko e.
Dapat mag-panggap akong walang pakialam. Ayun lang si ate o, halos isang dipa lang ang layo n’ya. Kunwari wala din akong pakialam. Ay, bababa na s’ya. Ambilis naman. (Mapapakamot sa ulo) Sayang, dapat di na lang ako nagpanggap na walang pakialam para natingnan ko man lang s’ya nang mas matagal.
Oh shit! Punyemas naman o! Ano ba yung mga nandun? Nakupo. Paint brushes, watercolor pencils, watercolor tubes, watercolor pad, drawing pad, ano pa ba? Planner. Nako may contact info ba ako dun? Oo, meron pala. Sana may mabuting tao na makapulot at isauli sa akin. Anong gagawin ko? Pupunta ba kong LRT station o uuwi na lang ako? Pero mahal din ang mga yun e. Sige na nga mamaya na lang ako uuwi. Naku sana makita ko pa yun.
Ah malapit na din ako sa istasyon ko. Nasayang lang ang pagsunod ko sa kanya, ni hindi ko man lang s’ya natitigan nang matagal. (Mapapalingon sa sulok na pwesto ni babae kanina) Uy, naiwan n’ya yung gamit n’ya. Kanya yun, di ba? Sana kay ate yun. (Pinulot ni lalake ang canvas bag na kasinlaki ng ¼ na illustration board) Hrgh. May kabigatan pala to. (Habang lumalakad s’ya palayo ng tren ay inuusisa n’ya kung anong mga laman ng bag) Let’s see. What have we here? Puro art related stuff. Ayun, may planner. Sana may cellphone number dito… Ayan na, nagri-ring na. Nakaka-kaba.
“Hello?”
“Excuse me po ate guard. Naiwan ko po kasi yung bag ko sa tren, sa…” (Nag-ring ang cellphone ni babae) “Never mind, ate. Nakita ko na pala. Thank you po.”
“Okay, binabaan n’ya ‘ko ng telepono.” Uy may nahulog!
Habang pinupulot ni lalake ang papel na nalaglag ay papalapit sa kanya si babae. Nang itihaya n’ya ang papel ay nagulat s’ya sa nakita.
Uy ano to? Binasa n’ya ang nakasulat sa bandang ibaba ng papel.
Isa kang wagas na journal-worthy. Kailan ko kaya malalaman ang pangalan mo?
Nagkatitigan ang dalawa. Awkward. Napahiya si babae at nag-blush.
“Uhm sorry. That’s mine. Thanks!” (Hinablot ni babae ang papel na hawak ni lalake. Mukha pa ring startled si lalake, tinitigan n’ya si babae, namumula pa rin. Nginitian n’ya si babae.)
“Ikaw nag-drawing n’yan? (tumango si babae) Ang galing! Sorry pala, nabigla lang ako nang kaunti, para kasing kahawig…ah that’s impossible.”
“Thanks! Sobrang importante ng mga gamit kong ‘yan. Salamat talaga.” (Iniabot ni lalake ang bag at ang planner kay babae).
Tahimik ang dalawa.
“I have to go. Salamat ulit.”
“Sure! No problem.” Parang wala lang, naghiwalay ng landas ang dalawa.
Nag-vibrate ang cellphone ni lalake, napangisi s’ya sa nabasa.
Tnx ha? And, for the record, that isn’t impossible. Ikaw talaga un :)

2 comments:

keysi tinamad mag-log in said...

Jo An ang baduuuuuuy! Hahaha! Kinilig ako sa pagbabasa. More stories pleaaaaase! Inspired by true events? ;)

{omei} said...

keysi para namang naninibago ka pa sa kabaduyan ko haha :) *antagal bago sumagot*