hindi na ko magkukwento masyado sa mga nangyari sa concert ng eraserheads dahil madami nang nagkwento tungkol dito...
basta masasabi ko lang na hindi nasayang ang ipinambayad ko, kahit na nga medyo bitin. kahit hindi ako "super fan" ng eheads, sobra ang paghanga ko sa kanila nang makita ko silang mag-perform (ulit) ng live--ang galing talaga nila, walang kupas, walang ipinagbago, ganun pa rin silang kahusay.
natapos ang concert nang wala sa oras {bitin!}. {pero sa totoo lang, medyo na-disappoint ako nung una at ayaw ko pang tanggapin na tapos na ang concert na hinintay ng mga tao ng anim na taon.} ang araw na iyon ay punung-puno ng drama.
hindi nakanta ang huling el bimbo, pare ko, overdrive, minsan, para sa masa, tindahan ni aling nena {mga pinakahihintay kong kanta}--dahil dyan, kelangan may part two pa...haha.
{1st set}
alapaap
ligaya
sembreak
hey jay
harana
fruitcake
toyang
kamasupra
kailan
huwag kang matakot
kaliwete
with a smile
shake yer head
huwag mo nang itanong
lightyears
group hug! group hug! group hug! group hug! group hug! :)
eto na! eto na! hwooh...yehey...bukas na to! {mamaya na pala} {pero parang medyo nagi-guilty ako kasi syempre habang nanonood at nagpapakasaya ako, ang ilang tao naman ay nagluluksa sa pagpanaw ng nanay [sumalangit nawa] ni kuya ely.T_T} hay...naubos na ang ipon ko...pero pakialam ko! hahah...basta! kita-kita na lang mamaya sa concert. {rakenrol} kelangan ko nang matulog para may energy mamaya...ay teka, hindi ako marunong pumunta sa the fort...haha...hala lagot! nakow. goodlak na lang sa akin {amin}
matatapos na ang august. isa pa lang ang entry ko para sa buwang ito (pangalawa 'to). e pano naman kasi, busy si mare...hay {sumasakit ang ulo ko! hwoo} yung watercolor painting ko (eto^ yung nasa taas), hindi ko na natapos, naluma na...stressed nga ako lagi kaso ang free time ko ay nakalaan lang talaga para sa pagtulog. wala na kong extra time para mag-draw o mag-paint..=( ayan tuloy, lagi akong naba-badtrip..haha. napapadalas na rin ang pag-upak ko ng 475mL na magnolia ice cream.
{freak out! freak out beybeh! wag kang mag-freak out beybeh!}
ay! oo nga pala...dadating na si itay (galing qatar) sa biyernes! welcome back itay! at hello chocholate...hahah XD
mahigit isang buwan na ang nakalipas mula ng malaman ko na magpapahinga muna ang pinakamamahal kong combo--INCUBUS. incubus will be on hiatus for a couple of years {maybe longer, di ko alam. sila-sila na ang makakapagsabi}..nakakalungkot..
pero maganda naman ang dahilan ng kanilang pagtigil pagtugtog. may mga magbabalik school {si brandon sa art school, si mike sa school of music, sa pagkakaalam ko}, may magpo-focus sa bagong miyembro ng pamilya {si jose sa kanyang bagong baby}, etcetera.
sana pagbalik nila may astig na album ulit sila para sa mga fans. cool.
hindi mahilig sa uso. paborito ang incubus at parokya ni edgar. mahilig mag-drawing at mag-puyat. hindi mahilig magsalita. hindi magaling sumulat. payat at matangkad. tanga sa pag-ibig. paborito ang mga libro ni bob ong at eros atalia at komiks ni manix abrera. mahilig sa tuyo at tinapa at vinegar pusit. hindi mahilig manood ng pelikula. ayoko ng musicals. natutuwa ako kapag nakakakita ng tunay na rainbow at kapag naririnig ko sa radyo ang kantang dayang-dayang o ost ng meteor garden. tapos nang maging palaboy sa ChE Department sa Melchor Hall. hindi alam ang susunod na gagawin.