Showing posts with label eraserheads. Show all posts
Showing posts with label eraserheads. Show all posts

Sunday, August 31, 2008

nung august 30, 2008

hindi na ko magkukwento masyado sa mga nangyari sa concert ng eraserheads dahil madami nang nagkwento tungkol dito...

basta masasabi ko lang na hindi nasayang ang ipinambayad ko, kahit na nga medyo bitin. kahit hindi ako "super fan" ng eheads, sobra ang paghanga ko sa kanila nang makita ko silang mag-perform (ulit) ng live--ang galing talaga nila, walang kupas, walang ipinagbago, ganun pa rin silang kahusay.

natapos ang concert nang wala sa oras {bitin!}. {pero sa totoo lang, medyo na-disappoint ako nung una at ayaw ko pang tanggapin na tapos na ang concert na hinintay ng mga tao ng anim na taon.} ang araw na iyon ay punung-puno ng drama.

hindi nakanta ang huling el bimbo, pare ko, overdrive, minsan, para sa masa, tindahan ni aling nena {mga pinakahihintay kong kanta}--dahil dyan, kelangan may part two pa...haha.

{1st set}
  1. alapaap
  2. ligaya
  3. sembreak
  4. hey jay
  5. harana
  6. fruitcake
  7. toyang
  8. kamasupra
  9. kailan
  10. huwag kang matakot
  11. kaliwete
  12. with a smile
  13. shake yer head
  14. huwag mo nang itanong
  15. lightyears
group hug! group hug! group hug! group hug! group hug! :)

SANA TALAGA MAY PART 2 PA...

Friday, August 29, 2008

eraserheads concert! mamaya na!

eto na! eto na! hwooh...yehey...bukas na to! {mamaya na pala} {pero parang medyo nagi-guilty ako kasi syempre habang nanonood at nagpapakasaya ako, ang ilang tao naman ay nagluluksa sa pagpanaw ng nanay [sumalangit nawa] ni kuya ely.T_T}
hay...naubos na ang ipon ko...pero pakialam ko! hahah...basta! kita-kita na lang mamaya sa concert. {rakenrol} kelangan ko nang matulog para may energy mamaya...ay teka, hindi ako marunong pumunta sa the fort...haha...hala lagot! nakow. goodlak na lang sa akin {amin}

Wednesday, July 16, 2008

totoo nga!

medyo huli na ko sa balita, pero paki nyo?
mark your calendars! august 30, 2008. CCP open grounds.

ERASERHEADS REUNION CONCERT!

{astig!
astig! astig! astig! astig! astig! astig! astig! astig! astig!}

oo. totoo. libre pa 'to. yung tickets downloadable pero tba pa yung site.

excited na ko. pero di ko alam kung makakapunta ako dito. malamang patayan ang mga tao sa ccp sa araw na 'yon.


punta ka na lang dito para sa karagdagang impormasyon.:)

miss ko na sila: