skip to main |
skip to sidebar
"it's so much easier when seafoam green is in fashion..."
katatapos ku lang mag-paint/draw.unang beses ko to na gumamit ng canvas as support, at pati pala ng acrylic paint, sa pagpepaint malamang. 8x10" lang to kaya keri lang. di naman pala ganun kahirap punuin ang ganung kalaking canvas ng kung anu-anong characters.
^^ praktis sa acrylic.bukod sa bitter at olats ako ngayon (oo, gawa mo XP. tinamaan ng lintek..haha), kaya ako nag-paint kasi balak kong pinturahan yung chucks ko na bigay ng pinsan ko. luma na kase. dati yung kulay white at pink. pero ngayon kahit labhan grey at pink pa rin. kaya yun.yung mga characters sa painting e galing sa internet (particularly yung rabbit na may hawak na kerots at yung yellow na duckling na may super laking mata na kamukha ni bugsy..rip-off. haha. sorry, di ko na maalala kung sinong author nung ibang mga characters dito e. kung ikaw man yun, wag ka nang magalit, di ko naman pagkakakitaan to e. peace tayo. basta ang natatandaan ku lang e galing sa flickr at google search yan) o kaya naman galing lang sa aking pea-sized brain. echos. haha.
cheers!
matatapos na ang august. isa pa lang ang entry ko para sa buwang ito (pangalawa 'to). e pano naman kasi, busy si mare...hay {sumasakit ang ulo ko! hwoo}
yung watercolor painting ko (eto^ yung nasa taas), hindi ko na natapos, naluma na...stressed nga ako lagi kaso ang free time ko ay nakalaan lang talaga para sa pagtulog. wala na kong extra time para mag-draw o mag-paint..=( ayan tuloy, lagi akong naba-badtrip..haha. napapadalas na rin ang pag-upak ko ng 475mL na magnolia ice cream.
{freak out! freak out beybeh! wag kang mag-freak out beybeh!}
ay! oo nga pala...dadating na si itay (galing qatar) sa biyernes! welcome back itay! at hello chocholate...hahah XD

natapos ko na ang unang subok kong mag-painting gamit ang water color. perstaym ito, na makabuo ako ng isang imahe na watercolor, tubig at brush lang ang gamit. lahat ng kulay, lahat ng linyang makikita mo dito, puro pa-brush lang. at dahil nga hindi pa ako sanay, tabi-tabingi ang outlines at di pantay ang pagkakalapat ng kulay. kinopya ko lang yung linework sa gawa ni alphonse mucha na "cycles perfecta". yung kulay, ako na ang nagdesisyon kung anu-ano sila. sa photocopied material ko lang ito kinopya. di uso ang colored photocopy, so black and white nga sya. kaya pag-pasensyahan nyo na kung magkaiba ang kulay nito at nung original. sorry kay master alphonse mucha kung hindi ko nabigyan ng karampatang hustisya ang kanyang obra.
pero naisip ko, hindi na rin ganoong kasama para sa isang baguhan. :)
{cheers}
eto yung original na cycles perfecta: