Showing posts with label badtrip. Show all posts
Showing posts with label badtrip. Show all posts

Saturday, January 10, 2009

keribelles

"it's so much easier when seafoam green is in fashion..."

katatapos ku lang mag-paint/draw.

unang beses ko to na gumamit ng canvas as support, at pati pala ng acrylic paint, sa pagpepaint malamang. 8x10" lang to kaya keri lang. di naman pala ganun kahirap punuin ang ganung kalaking canvas ng kung anu-anong characters.



^^ praktis sa acrylic.

bukod sa bitter at olats ako ngayon (oo, gawa mo XP. tinamaan ng lintek..haha), kaya ako nag-paint kasi balak kong pinturahan yung chucks ko na bigay ng pinsan ko. luma na kase. dati yung kulay white at pink. pero ngayon kahit labhan grey at pink pa rin. kaya yun.

yung mga characters sa painting e galing sa internet (particularly yung rabbit na may hawak na kerots at yung yellow na duckling na may super laking mata na kamukha ni bugsy..rip-off. haha. sorry, di ko na maalala kung sinong author nung ibang mga characters dito e. kung ikaw man yun, wag ka nang magalit, di ko naman pagkakakitaan to e. peace tayo. basta ang natatandaan ku lang e galing sa flickr at google search yan) o kaya naman galing lang sa aking pea-sized brain. echos. haha.

cheers!

Monday, July 21, 2008

life isn't fair...{it never was}

kailangan ko na naman bang mag-tanong ng bakit? {ooh...bakit?}
kung kailan naman ako nagsisipag mag-review at nag-eeffort na mag-sagot ng mga suggested at required book problems, at saka naman may kung anong pwersang humihila at nagpapatamad sa akin pagkatapos ng exam {tinatawag itong examination result, a.k.a. score}.

walangya! bad trip na naman ako. wag na lang kaya akong mag-aral? o_O

(humanda ka sakin ES 11, babawi ako sayo at sa mga taong nagpapahirap sa amin {akin} ...hwahahaha)

Monday, July 14, 2008

mga sandaling nakaka-bad trip {kabanata isa}

ikalawang entri. wala ka nang paki kung pangalawa pa nga lang to e tungkol na agad sa mga pagka-bad trip ko nitong mga nakaraaang araw.

o? siya..basa.


1)
bakit ba ang damot ng mga kapatid ko? lalo na 'pag computer na ang pinag-uusapan. ayaw talaga akong pagamitin. tapos pagmamakaawang walang hanggan. mga tipong "sige na pa-computer na ko." at nang sa wakas ay "ako" na ang gagamit ng computer...naman! pambubuwisit na walang humpay naman galing sa kapatid kong bunso. "ate, anong gagawin mo? matagal ka pa? hanggang anong oras ka? kelan ka matatapos? ako susunod sayo ha? ate, ang tagal mo naman!" e kumusta naman 'no? wala pa man akong trenta minutos na nakaharap sa computer e kuliling-kulili na ko sa kanya. samantalang ang dalawa kong kapatid na adik e inuumaga kaka-online gaming. hay. kung hindi ko lang talaga kapatid yung mga yon e malamang na-kutusan ko na.

2) wala na...wala na kong laptop. tuluyan nang napasa iba ang laptop ko. T_T. gudbay na laptop ko . may iba nang nag-mamay-ari sayo. nakakaiyak. pati ang dati kong wallpaper ay pinalitan na...isang senyales na hindi na talaga akin ang dating akin.
nalulungkot ako...kasi isang taon at dalawang buwan ko pa lang napapakinabangan yon tas ibinigay na sa kapatid ko. ang masama pa neto ay binawi yon sa 'kin sa panahong kailangang-kailangan ko talaga itong gamitin. madami akong bagay na hindi nagawa dahil madami akong files na nandoon. na hindi naka-save sa flash drive (katangahan ko din; at isa pa ay hindi kasya lahat ng files ko sa flash drive ko). ang pangako ni inay ay ibibili nya ko ng bagong laptop bago matapos ang buwang ito, pero malabong mangyari 'yon. hindi pa kasi sya tumatama sa lotto.

3) nakakaasar. bakit ba nahiya pa kong lumapit kay master manix nung nakita ko sya minsan sa main lib? para akong lalaki na natorpe at nahiyang manligaw sa babae na matagal na nyang crush. bakit?..ooh..bakit?

4) hindi ko alam kung bakit ako naiirita kapag may mga pagkakataong dapat ang narinig ko ay "excuse me" o kahit na nga "ehkskhyus mih" pa yun e..basta excuse me..ang simple namang sabihin 'non a...bakit ang naririnig ko lagi ay "iskyus" o mas malala pa "iskis". ano ba yon? nahihiya ba silang magsabi ng excuse me o talagang pabulong lang sila kung magsalita..yung tipong mga kaluluwang ligaw o mga lamang-lupa lang ang makakarinig sa kanila. siguro nga bingi na ko. kailangan ko na atang magpa-tingin sa albularyo.

5) ngayon lang to. nako. talaga nga namang minamalas. malapit na sanang matapos ang entry na ito kung hindi lang nagloko ang connection ng unang computer shop na kinaroroonan ko kanina. ayan. napalipat tuloy ako sa iba ng wala sa oras. nagkaroon pa tuloy ng pang-namber payb.

badtrip talaga.

{ps: siguradong may (mga) kasunod pa 'to. madali akong maasar nitong mga nakaraang buwan...disclaimer: masyado pa po akong bata para mag-menopause. talagang bad trip lang ako.}