Monday, July 14, 2008

mga sandaling nakaka-bad trip {kabanata isa}

ikalawang entri. wala ka nang paki kung pangalawa pa nga lang to e tungkol na agad sa mga pagka-bad trip ko nitong mga nakaraaang araw.

o? siya..basa.


1)
bakit ba ang damot ng mga kapatid ko? lalo na 'pag computer na ang pinag-uusapan. ayaw talaga akong pagamitin. tapos pagmamakaawang walang hanggan. mga tipong "sige na pa-computer na ko." at nang sa wakas ay "ako" na ang gagamit ng computer...naman! pambubuwisit na walang humpay naman galing sa kapatid kong bunso. "ate, anong gagawin mo? matagal ka pa? hanggang anong oras ka? kelan ka matatapos? ako susunod sayo ha? ate, ang tagal mo naman!" e kumusta naman 'no? wala pa man akong trenta minutos na nakaharap sa computer e kuliling-kulili na ko sa kanya. samantalang ang dalawa kong kapatid na adik e inuumaga kaka-online gaming. hay. kung hindi ko lang talaga kapatid yung mga yon e malamang na-kutusan ko na.

2) wala na...wala na kong laptop. tuluyan nang napasa iba ang laptop ko. T_T. gudbay na laptop ko . may iba nang nag-mamay-ari sayo. nakakaiyak. pati ang dati kong wallpaper ay pinalitan na...isang senyales na hindi na talaga akin ang dating akin.
nalulungkot ako...kasi isang taon at dalawang buwan ko pa lang napapakinabangan yon tas ibinigay na sa kapatid ko. ang masama pa neto ay binawi yon sa 'kin sa panahong kailangang-kailangan ko talaga itong gamitin. madami akong bagay na hindi nagawa dahil madami akong files na nandoon. na hindi naka-save sa flash drive (katangahan ko din; at isa pa ay hindi kasya lahat ng files ko sa flash drive ko). ang pangako ni inay ay ibibili nya ko ng bagong laptop bago matapos ang buwang ito, pero malabong mangyari 'yon. hindi pa kasi sya tumatama sa lotto.

3) nakakaasar. bakit ba nahiya pa kong lumapit kay master manix nung nakita ko sya minsan sa main lib? para akong lalaki na natorpe at nahiyang manligaw sa babae na matagal na nyang crush. bakit?..ooh..bakit?

4) hindi ko alam kung bakit ako naiirita kapag may mga pagkakataong dapat ang narinig ko ay "excuse me" o kahit na nga "ehkskhyus mih" pa yun e..basta excuse me..ang simple namang sabihin 'non a...bakit ang naririnig ko lagi ay "iskyus" o mas malala pa "iskis". ano ba yon? nahihiya ba silang magsabi ng excuse me o talagang pabulong lang sila kung magsalita..yung tipong mga kaluluwang ligaw o mga lamang-lupa lang ang makakarinig sa kanila. siguro nga bingi na ko. kailangan ko na atang magpa-tingin sa albularyo.

5) ngayon lang to. nako. talaga nga namang minamalas. malapit na sanang matapos ang entry na ito kung hindi lang nagloko ang connection ng unang computer shop na kinaroroonan ko kanina. ayan. napalipat tuloy ako sa iba ng wala sa oras. nagkaroon pa tuloy ng pang-namber payb.

badtrip talaga.

{ps: siguradong may (mga) kasunod pa 'to. madali akong maasar nitong mga nakaraang buwan...disclaimer: masyado pa po akong bata para mag-menopause. talagang bad trip lang ako.}

No comments: