Saturday, July 12, 2008

unang entri

hay...nakakapagod talagang mag-biyahe. walang masyadong katuturan ang araw na 'to, maliban na lang sa "sa wakas ay nakabili na rin ako ng centennial jacket" at sa "sa wakas ay nakapag-post din ako dito". wala akong magawa inaantok na ang utak ko pero ayaw pang pumikit ng mga mata ko.

at d
ahil wala akong ibang masabi, ikukwento ko na lang ang pakikipagsapalaran ko kanina sa may vinzons hall.

2:42. natapos rin ang discussion sa 122. atat na kong pumunta sa vinzons para pumila. para bumili ng jacket. tamang-tama maaga pa, wala pa sigurong naka-pila kasi 4:00 p.m. pa naman yung inaabangan ko--ang paglabas at pagtitinda ng cente
nnial jacket. kaya. hala. sige. lakad mula melchor hall patungong vinzons hall.
2:54. sa wakas. narating ko rin ang dapat marating. ayan na. pag-akyat ko ng hagdan, putik! andami nang tao. sa tantiya ko, pang-apatnapu pa ako mula sa unang tao. hay. hindi lang pala ako ang nag-aapurang bumili ng jacket. bad trip.

4:07. tingin sa relo. hindi pa ba simula? napilitang sumagot ang nasa unahan ko, na hindi ko naman kilala- "hindi pa eh".
4:10. may lumabas n
a USC officer, eng'g rep. kilala ko. may sinasabi sya pero hindi ko na inintindi, masyado syang malayo para marinig ko. tinanong ako ng katabi ko: "anu daw?", sabi ko "ewan ko, ang layo e, hindi ko narinig...dapat may mic sila o kaya megaphone".
4:17. ayan na ang mga sako-sakong bigas, este mga supot na may lamang mga jacket at lanyard. ang dami. pero sa tingi
n ko, kulang pa rin ang mga yon para sa lahat ng tao na nandoon.
4:37. yehey! gumagalaw na ang pila. malapit ko nang magasta ang perang inipon ko sa loob ng dalawang linggo. aabot na ko [di kagaya nung isang linggo.
naubusan ako :(]
4:49. haha..eto na. babay na 800 at mabuhay ang bagong jac
ket. [tamang-tama sa panahon ng tag-ulan. kung kailan ang mga tao ay nagpapa-angasan at nagpapa-bonggahan ng kani-kaniyang jacket]
4:56. ayos! nakalabas na ko
sa lugar na pinipilahan para bumili ng NFA rice, sana walang depekto ang nabili kong bigas. at kung meron man, sana pwede pa ring isaing. ayokong isipin na inubos ko lang ang 800 ko para sa walang katuturang pinagka-gastusan.

uuwi na kong quisao. di ako umuwi nung nakaraang linggo. namimiss ko na ang nga tao sa bahay. [at wala na rin akong pera]. sana makasingit ako sa computer

eto na 'yung pinag-hirapan kong pilahan...hwahaha. nakabili rin. {dahil sa pangit ang kwaliti ng webcam namin, naging deep indigo ang kulay ng jacket na dapat sana ay kulay black, yung tatak ay gold [kaya siguro mahal yung ja
cket, e tunay na ginto ang ginamit pantatak]}
unang entri--walang kwenta...

sa sinumang bumabasa nito...kung hindi mo trip ang mga pinagsasasabi ko...mag-friendster ka na lang. o kaya manood ka na lang sa youtube. ok? ok.

No comments: