Wednesday, July 16, 2008

cycles perfecta




natapos ko na ang unang subok kong mag-painting gamit ang water color. perstaym ito, na makabuo ako ng isang imahe na watercolor, tubig at brush lang ang gamit. lahat ng kulay, lahat ng linyang makikita mo dito, puro pa-brush lang. at dahil nga hindi pa ako sanay, tabi-tabingi ang outlines at di pantay ang pagkakalapat ng kulay. kinopya ko lang yung linework sa gawa ni alphonse mucha na "cycles perfecta". yung kulay, ako na ang nagdesisyon kung anu-ano sila. sa photocopied material ko lang ito kinopya. di uso ang colored photocopy, so black and white nga sya. kaya pag-pasensyahan nyo na kung magkaiba ang kulay nito at nung original. sorry kay master alphonse mucha kung hindi ko nabigyan ng karampatang hustisya ang kanyang obra.

pero naisip ko, hindi na rin ganoong kasama para sa isang baguhan.
:)

{cheers}

eto yung original na cycles perfecta:

No comments: