Saturday, July 26, 2008

gulat moment. {hwa!}

{kanina pagka-galing sa sumulong memorial highschool (nakakatuwa yung mga bata..ahehe) for CEERS, which lasted for more or less 8 hours, (for this day lang yun)}

pauwi na ko. antay ng jeep sa may (tinatawag na) imperial. after 8-10 minutes, ayun! nakasakay din. tigil-andar ang jeep. panay ang sakay ng mga pasahero. siksikan sa loob. pero malamig naman e kaya keri lang.

asa may sitio maligaya na ata. anlamig. kelangan dagdagan ang suot. bulatlat ng bag. hanap ng jacket. tumigil ang jip. may nasiraang jeep sa may dako pa doon. may mga bagong pasahero na naman. hanap ng jacket. may biglang kumalabit. {nakow! baka holdaper na to, but he wasn't, wala syang sinabing "akin na selpon mo". thank god} may sumakay na kakilala ko. GULAT!

just when i was starting to forget my memories of him; naman! saka pa sya magpapakita. sa isang napaka-awkward na sitwasyon kung saan kitang-kita ang aking pagka-haggard {ang gulo-gulo ng buhok ko at mukha na kong yagit. kakahiya..wahaha} wala kong ibang nasabi kundi isang napakalakas na "UY!" sabay titig sakin nga mga katabi ko sa jeep. e kasi naman, i was totally surprised, ang layo nun no, antipolo, o? e san pa sya galing? sa maynila pa. kainis naman kasi yung jeep nila, nasiraan pa..aysus.. it never crossed my mind that i would see him again this soon. ngayon pa na alam na nya. napatanga na lang tuloy ako. napatingin sa malayo. ayokong tumingin sa may side nila. baka sabihin nya tinitingnan ko sya. pero sa totoo lang ayoko muna talaga syang makita. nabubwisit kasi ako sa pagmumukha nya e...hwahaha.

tuloy sa pag-aatupag ng jacket na isusuot. bilis at ako'y nilalamig na. ayun. na-unzip. tic-tac-tic-tac. at naisuot. hwooh. ang hirap. ansikip sa jip.

konting chit-chat with him. {as in, konti lang talaga} pagkatapos. tingin na ulet sa malayo. tingin sa relo. tingin sa telepono. tingin sa labas.

hanggang sa dumating na sa tanay. di ko alam kung pano ko sya kakausapin. a. alam ko na "may pasok kayo sa monday?"

blahblahblahblah...andito na kame sa sakayan papuntang quisao. papunta na syang sakayan ng trike papunta sa kanila. ayoko na sanang lumingon kung hindi nya lang ako tinawag.:(


o sha?
pano? babay.

No comments: